The Hanging Bridge of Babylon este Antipolo

TAKOT. Yan yung naramdaman ko habang binabagtas ang Hanging Bridge sa Cloud 9 Resort. Buti nalang napagitnaan ako ng mga kasama kong si Mei at Jessie. Dahil kung hindi babalik talaga ako sa pinanggalingan ko!

Literal na nangangatog ang mga lamang-loob ko sa kaba. Ewan ko ba umaakyat naman ako ng bundok pero hindi ko gusto ang pagtawid sa hanging bridge. Kailangan kong labanan ang takot lalo na nung lumakas ang hangin sa kalagitnaan. Naparecite na ko ng mga verses tulad ng Philippians 4:13 at 2 Timothy 1:7. Hinanda ko na din yung Medicard ko in case.

 

I can do all things through Christ which strengtheneth me.

24067813_1622434337779777_2001926263978467875_n

For God hath not given us the Spirit of fear; but of power, and of love, and of a sound mind.

Pero ang maganda nito pag-abot mo sa 360 degree view mawawala lahat ng kaba mo dahil kakaibang ganda ang matutunghayan mo. Medyo foggy nga lang dahil sa polusyon pero at least humihinga ka pa.

Ganoon talaga sa buhay. Parang pagtawid ng hanging bridge. Nakakatakot dahil tila malalaglag ka. Kailangan talaga may kasama ka. Para kapag natakot ka at gusto mo ng sumuko merong magsasabi na, “kaya mo yan…bundok nga naakyat mo di ba?”. Pero hindi maiiwasan na kabahan ka lalo na sa paghampas ng hangin ng pagsubok. Kaya kumapit ka. Tingnan mo yung finish line. Sayang yung nilakad mo at mas sayang yung perang ibinayad mo. Lagi mong tatandaan na hindi ka nag-eexist para matakot…

No, in all these things we are more than conquerors through him who loved us.

Romans 8:37

 

Leave a comment

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑